Bibigyan ng isang linggo ang mga driver ng pampubliko at pribadong sasakyan na tanggalin ang anumang abubot sa kanilang dashboard at windshield, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes.

Maraming motorista ang nagtanong tungkol sa tinatawag na “line of sight” sa ilalim ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA) dahil bawal ito maharangan ng hands-free devices tulad ng smartphone para sa paggamit ng navigational apps.

 

Paano naman daw ang iba’t ibang accessories na nakapatong sa dashboard o nakasabit sa windshield? Hindi naman mga gadget ito pero nakakaharang pa rin.

Ayon kay Aileen Lizada, board member ng LTFRB, mayroon nang batas na nagbabawal sa mga ito: ang Joint Administrative Order (JAO) 2014-01.

Sa ilalim nito, bawal ang “defective and unauthorized accessories” na maaaring “prejudicial to road safety” — at ayon kay Lizada, kasama rito ang popular na bobbing head dogs, kumakaway na laruang pusa, at iba pang display sa taas ng dashboard, pati na kurtina sa windshield. Pati ang nakasabit na rosaryo sa rearview mirror ay bawal.

Sa Mayo 26, dapat ay natanggal na ang mga ito, private o public utility vehicle man ang minamaneho mo, kundi ay pagmumultahin ka ng P5,000.

Kabilang diyan ang mga jeep na tadtad ng signages ng ruta ang windshield. 

Ayon kay Lizada, dapat tanggalin na rin ang mga ito. Dapat naman daw talaga ay sa gilid ng jeep at hindi sa windshield nakasaad ang signages. 

Lilinawin ang mga patakaran sa ilalabas na memorandum circular ng LTFRB bago Mayo 26.

Pagdating naman sa mga driver na may ibang pinaggagamitan ng kamay maliban sa pagmamaneho, paglabag din ito sa JAO 2014-01. Halimbawa ni Lizada ang mga nagme-makeup habang magmamaneho o umiinom ng kape.

Pasok ang mga ito sa “reckless driving” na probisyon ng JAO at may katumbas na multang P2,000 hanggang P10,000 at maaari ring mabawian lisensya.

Nilinaw ang mga ito sa meeting ng mga transport agencies ukol sa ipinatupad na ADDA.

Unang nagdulot ng kalituhan sa publiko at maging sa mga nagpapatupad ng batas ang ADDA at ang Children’s Safety on Motorcycles Act.

Sa pulong nitong Biyernes, inamin ni Lizada na napag-usapan na suspindihin muna ang dalawang batas dahil sa kalituhan at kakulangan ng information drive. 

Pero sa huli, nagdesisyon silang ituloy na lang ang pagpapatupad ng mga ito. 

 

Source: http://news.abs-cbn.com/focus/05/19/17/ltfrb-bawal-ang-rosaryo-sa-rearview-mirror-signages-sa-windshield-ng-jeepney

 

-oOo-

 

Satan is now happy with this law of the diabolic MMDA… Who the hell are they to take off those Rosaries on our vehicles? Are they imposing that INC must be the religion of the Philippines? Pwe! Fatima na Fatima ngayon pero halatang pambababoy nyo, MMDA. At nakakahiya kayong mga abnormal… Mostly Katoliko kayo tapos pabaklas nyo? Anong panggagago ito? Pero sticker ng “Italian” pwede? Diosmio! Demonyo kayo! 

Puro kayo Aklat ni Digong binabasa nyo eh! Hindi constitution na may freedom of religion tayo. Tapos sisigaw nyo sa amin ang Church and State ek ek? Haynako! Pero kung “Italian flag” yan di kayo tanggi! Sila may ari ng Pilipinas eh! Ang swapang nyo naman po! 

download

 

 

Advertisements